Friday, March 29, 2019

Agriculture Grad Gives Tour of Permaculture Center [VLOG E06]





Para sa aming pang-anim na episode, sisilip lang tayo saglit sa Isabela Permaculture Development Center o IPDC. Dito kumuha ng Permaculture Design Certificate (PDC) course sina Weng and Bittie Glinoga ng Glinoga Organic Farm (Vlog Episode 1). Kasama din namin sa episode na to si Enrico Navea ng Lorenza's Garden and Food Forest Farm (Vlog Episode 5).

Sunday, March 24, 2019

How to Make a Swale in Your Backyard [VLOG E04]



Para sa aming pang-apat na episode, mananatili tayo sa Bay, Laguna para bumisita sa permaculture project ni Edu Foronda sa Jubileeville. Ang kanyang proyekto ay ang paggawa ng mga swales--mga hukay na naka-disenyo para mag-ipon ng tubig sa ilalim ng lupa para magamit ng mga halaman sa tag-init. Ginagamit din ito para pigilan ang pagguho ng lupa. Tingnan natin kung paano gumagawa si Edu ng swales gamit ang kanyang ginawang "A-frame." BLOG ARTICLE http://permacultureresearchph.blogspo...

Saturday, March 16, 2019

Young Farmer Practices Sustainable Pig Farming [VLOG E03]



Para sa aming pangatlong episode, pupunta tayo sa Tara Farms sa Bay, Laguna. Kakausapin natin ang Nu Wave Farmer na si Paulo Sandoval tungkol sa pag-alaga ng mga native pigs. Ang native pigs ang naging pangunahing design component sa Tara Farms gamit ang permaculture design method na kung tawagin ay component (or element) analysis.

Kung interesado kayo bumisita sa kanilang farm, paki-like ang kanilang Facebook page (https://www.facebook.com/tarafarmsph/) at padalan ng mensahe si Paulo.

Saturday, March 9, 2019

What Does A Permaculture Farm Look Like? [VLOG E02]


Para sa aming pangalawang episode, pupunta naman tayo sa Cabiokid Permaculture Farm ng Cabiokid Foundation, Inc. sa Cabiao, Nueva Ecija. Ipapakita namin dito kung paano sila nag-design gamit ang konsepto ng permaculture zones. Kasama natin sa tour ang farm manager ng Cabiokid na si Luzviminda Lopez o Ate Luz. Kung interesado kayo bumisita sa kanilang farm, paki-like ang kanilang Facebook page (https://www.facebook.com/CaBIOKid/) at padalan ng mensahe si Ate Luz. Blog article: http://permacultureresearchph.blogspo...


Wednesday, March 6, 2019

Permaculture Design Using Coconuts [VLOG E01]



Para sa aming unang episode, dadalin namin kayo sa Glinoga Organic Farm sa Pitogo, Quezon. Ipapakita namin dito kung paano nila ginagamit ang puno ng niyog (coconut tree) para sa kanilang permaculture design.

Kung interesado kayo bumisita sa kanilang farm, paki-like ang kanilang Facebook page (https://www.facebook.com/Glinoga-Orga...) at padalan ng mensahe si Nenieveh "Weng" Glinoga.

UPLB DEVC Student Conducts Interview on Permaculture

The interview was conducted by UPLB BS Development Communication student, Alpheus Loukas Ascan, last September 24, 2024 at UPOU for a requir...